Ano nga ba ang Pag-ibig?


Nung nakaraang linggo, kinonpronta ako ng mga tanong patungkol sa paksang ito. “Ano ang Pag-ibig?” “Paano mo malalaman kung in love ka na?” “Handa ka na ba ma-in love?” Tatlong mahihirap na tanong. At ang mas mahirap, hindi mo masasagot yung dalawang huli kung hindi mo alam ang sagot sa una.

Lahat naman tayo’y may iba’t ibang pananaw tungkol sa pag-ibig. Kaya ang sabi ng karamihan, hindi mo talaga ito mailalarawan. Yung nararamdaman o sintomas nito–pati yung kaakibat na pagkilos kapag ito’y naramdaman–ay iba sa bawat isa. Kaya naman ang pag-ibig, sa emosyonal na aspeto, ay subjective. Gayunpaman, pagdating sa rason ng ating pagkilos patungkol sa pag-ibig o sa taong ating minamahal, naniniwala ako na iisa lang ang ating dahilan–iyon marahil ay ang sumaya at pasayahin ang taong mahal natin. 

Ano ang Pag-ibig?

Para sa akin, Love is more than just a feeling. Hindi lang ito basta butterflies in the stomach o yung tumutugstugs na heartbeat, o sparks. Kaya nga maraming naghihiwalay na magkasintahan kasi “nawala na yung spark” o kaya naman nagising sila isang araw na “hindi na masaya sa relationship” at “kasi nag-iba na siya, hindi na siya yung ‘siya’ na minahal ko” o kaya naman “nakakasawa”. Lahat ng ito, ay dahil sa pagkakamaling pag-aankla o pagbabatay ng pag-ibig sa emosyon lamang. Ang pag-ibig ay may kaakibat na commitment, yung rational or reason part. Kung naka-take ka na ng Philosophy class, alam mo na ang ating pagkilos ay diniderekta dapat ng reason at hindi emotion. Siguro bigla kang natawa kasi sa isip-isip mo, ang korni nung “commitment” part. Bibigyan pa kita ng mas korni na baka lalong hindi mo na gustuhing basahin pa ang post na ito hanggang sa katapusan: If you will enter a relationship, you should always have forever in mind. And all your actions must back up that mindset.

Ang problema, maraming tao ang “ayaw munang isipin yan” kasi “bata pa at marami pang mangyayari” o kaya “marami pang makikilala”. Yun nga ang punto e. Kung hindi ka naman sigurado, why go for it? Para ano, para tingnan kung magowowork out kayo? Tapos kung oo, edi kayo; at kung hindi, edi hindi? Tsss! O kaya naman, ayaw mo na siya pakawalan kasi baka wala ka nang makitang iba? 

“Before I formed you in the womb I knew you, before you were born I set you apart…” -Jeremiah 1:5

Kilala ka na ni God bago ka pa ipanganak. At alam na din Niya ang perfect plan para sa buhay mo. And for the record, kasama na din diyan kung sino si Pag-ibig mo, si Kuya o Ate na mamahalin at makakasama mo habang buhay. Kaya kung highschool ka pa lang o nag-aaral pa, utang na loob, wag ka muna mawindang sa pag-iisip kung siya na ba. Kasi naman ‘teh, ang dami mo pang pagdadaanan. Isipin mo na lang kung seventy years ka mabubuhay sa mundong ‘to, kalahati nun, o marahil higit pa, ang iuukol mo kasama siya, sa pagbuo ng pamilya at pagpapalaki ng mga anak ninyo. Huwag mong nakawan ang kinabukasan mo dahil lang wala kang ka-holdinghands ngayong Valentine. Kasi, kapag nandun ka na sa puntong may asawa at pamilya ka na, itong kasalukuyan mo, yung parte na bata ka pa at maraming nagagawa na hindi na magagawa sa iba pang panahon ng buhay mo, ay siguradong gugustuhin mong balikan. At sa araw na iyon, magsisisi ka na sana pala ginamit mo ang oras na ito para mahalin ang pamilya (family of origin) mo, maki-bonding sa mga kaibigan mo, tumulong sa ibang tao, magserve ng todo todo kay God. Ang pinakamabuti sa ngayon ay pag-igihan ang paghahasa sa kakayahan at sa character para pag nakilala mo siya, ready ka na. The best yung inilaan ni God sa’yo. Nakakahiya naman kung hindi pa ikaw yung best na deserve nung tao.

Diba nga sa Eight Stages of Psychosocial Development ni Erik H. Erikson, Fidelity is the prerequisite of Intimacy. Fidelity meaning…

“…the ability to sustain loyalties freely pledged in spite of the inevitable contradictions and confusions of value systems.”

Dinagdag ko lang yan para magtunog matalino. (Hehe) The key word pala is sustain. Idagdag mo pa diyan, hindi rin totoo ang You complete me  na sagot sa pick-up line na: “Puzzle ka ba?” Kasi, bago ka makabuo ng isang maayos na relasyon, yung panghabang-buhay na, dapat pareho kayong buo. (1 x 1 = 1) Isang buong ikaw, at isang buong siya ay isang buong relasyon. (.75 x .75 = .5625) You get the point. 

Paano mo malalaman kung in love ka?

Sabi sa kanta ‘Hindi makatulog. Hindi makakain.’ Pwedeng pisiolohikal ito o kaya nama’y emosyonal. Magkakaiba tayo ng nararamdaman. Yung iba natatanga. Yung iba inspired. Yung iba distracted. In love ka kung alam mong may nag-iba sa’yo. Yung hindi ikaw yung normal na ikaw. Ganyan naman ang pagmamahal, hindi ba? Binabago niyan ang tao para sa kabutihan. At kapag naramdaman mong mahal ka rin ng mahal mo, hindi ba masaya? At hindi ba labis na nakakapukaw ng puso ang malamang sa kabila ng mga kapalpakan mo sa buhay, mayroong handang tumanggap sa’yo kung sino ka? Ganyan si God sa akin. At sa iyo rin. Alam kong in love ako sa Kanya dahil maraming nag-iba sa akin. 

Handa ka na ba ma-in love?

In love ako sa ngayon, kay God. Okay, payn. Korni para sa’yo. Pero kasi Siya ang nag-iisang alam kong hindi sasayangin ang pag-ibig ko kundi ibabalik ito ng mas higit pa sa inaaakala ko. Love is more than just a feeling, remember? Hindi pa ako ready sa commitment.  Hindi pa ako buo. Alam ko lang na marami pa ako kailangang matutunan. Kapag pumasok ako sa relasyon ulit, gusto ko kasi yun na talaga. At syempre may forever in mind. Dun naman talaga ang hantungan nun, ang goal ng isang relationship–marriage. At ayokong pumasok sa relasyon na hindi pa ako handa lalo na’t habangbuhay ang tinitingnan ko dito. Hindi totoo yung magbabago ang isang tao kapag nag-asawa na siya. Marami nang nakapagsabi sa akin na kung ano yung character mo nung single ka, yun din ang character na lalabas kapag may asawa ka na. Who you’d become when you get married will only reflect what you’ve valued while you’re still single. Kaya nga kapag tatamad tamad ako sa bahay, laging sinasabi ni Mommy, “Nakakahiya ka sa magiging biyenan mo. Baka sabihin nila hindi ka namin naturuan ng maayos.” Marami pang dapat ma-improve sa akin–pagiging masinop sa pera, pagiging mahusay sa gawaing bahay, pagkakaroon ng mahabang pasensiya, pag-una sa pangangailangan ng iba bago ang sa akin, at marami pang iba.

Kaya ka nga single para magpractice. Hindi ibig sabihin may partikular lang na taong gagawan mo nun. Mali. Dapat sa lahat, pantay. Maaari mo ito i-practice sa pamamagitan ng paglilingkod sa pamilya mo. Pagluto mo sila, o kaya tulungan mo ang kapatid mo sa assignment niya, samahan mo yung kaibigan mong may problema. Kung lalaki ka, tulungan mo yung MGA kaibigan mong babae sa mga dala nila. Dun ka sa danger side kapag tatawid kayo ng highway, o pag  naglalakad sa side walk. Higit sa lahat, mapababae o mapalalaki man, guard their hearts. Do not mess with someone else’s future husband or future wife. I’m sure you do not want someone else messing with yours. 

Treat younger men as brothers, older women as mothers, and younger women as sisters, with absolute purity. -1 Timothy 5:1b-2

At ang pinakabongga, practice loyalty today. Maraming naghihiwalay dahil sa third party at party party na yan. You can practice loyalty now through committing yourself and your season (ang pagiging single) to Christ and to your future spouse na rin. Serve, learn and grow as much as you can. Para pag na-meet mo na siya, ready ka na! Sa ganung paraan mananatili kang in love sa kanya kasi alam mong hindi lang basta emosyon, may kaakibat na responsibilidad, commitment, at si God ang nasa gitna niyo. Nun mo masasabing okay pala ang love triangle. Ikaw, ano ang pag-ibig para sa ‘yo? Share mo sakin! :)

Maligayang araw ng mga puso! :)

About these ads

6 thoughts on “Ano nga ba ang Pag-ibig?

  1. ang love para sa akin ay isang salita na nglalarawan ng pag tanggap at walang hanggang kasayahan na nangyayari lamang sa pocket book.. at sa pelikula ni direk wenn de ramas.

Tell Me Your Insights!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s